Panibagong alegasyon, panibagong imbestaigasyon… May isinawalat na naman Si Sen. Panfilo Lacson na anomalya na sinasabi niyang kurapsyon sa gobyerno. Sa isang “privilege speech,” inilantad niya ang anomalya sa P200 milyon “C-5 road extension project” na siningitan umano ng karagdagang P200 milyon. Ngunit ang kakaiba sa isyung ito ay ang pagtukoy niya kay Senate President Manuel Villar na makikinabang umano sa kickback sa proyekto. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na harapang pinagbintangan ang isang Senate President.
Ngunit ano nga ba nag kahihinatnan ng mga bintang ni Lacson kay Villar? Ito na nga ba ang simula ng pagsugpo sa kurapsyon?
Hindi na mabilang ang mga isiniwalat na iregularidad ni Lacson at ang ilan dito ay inimbestigahan pa sa senado. Ngunit alin man sa mga ito ay walang nalutas. Bagkus, marami lang nasagasaan na personalidad at naapektuhan na mga kredibilidad. Marami-rami na rin ang kinontrata para tumayong testigo ngunit wala ni isa sa mga ito ang nagsilbing susi upang malutas ang isa man sa mga alegasyon ni Lacson. Ang tanging naidulot lamang ng mga ito ay ang pag-angat ng popularidad ng senador at ang pagmimistulang paglaban nya sa kurapsyon.
Isang kasinungalingan nang sinabi ni Lacson na walang kinalaman ang lahat ng isinisiwalat niya sa pulitika. Malinaw na ang intension nya ay ang magpabango ng pangalan para sa darating na eleksyon sa 2010. Sa pagkakataong ito, ginulo ng isyu ang senado, nagkawatak-watak at nakasira ng pangalan ng ilan pang balak tumakbo sa pagka-presidente. Ang lahat ng ito ay pumapabor kay Lacson… na walang pakialam kung ano man ang mangyari basta’t maabot lang ang minimithi niyang maging presidente ng bansa.
Kung sa simula pa lamang ay ginugulo nya na ang bansa, paano na kaya ang Pilipinas kung siya na ang nakaupo…
Sunday, September 21, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)