PING LACSON, Malakas at matibay ang loob. Wala siyang kinakatakutan. Walang inuurungan. Ito marahil ang rason kung bakit madaming Juan dela Cruz ang naniniwala at napapabilib sa kanya. Malakas ang kanyang loob na banggain ang sinumang kanyang naiibigan lalo na kung ito ay hadlang sa kanyang mga plano. Dating kaibigan, asawa ng pangulo, ang pangulo, mga kapwa niyang senador.. kahit sino pa yang ponsyo pilato, kaya nyang targetin.
Matatalim ang mga salitang kanyang binibitawan. Magaling din siya sa pagpili ng mga salita upang higit na mabilog ang mga pananaw ng tao at lubusan siyang paniwalaan. Maihahalintulad siya sa director ng isang obra maestrang pelikula – nadidiktahan niya ang mga napiling “actor” na gumawa at umasta ng kahit ano mang nagugustuhan niya.
Marami ang nagsasabi na napabilang sa mga madaming actor na kanyang pinapasweldo ay mga pulis na dati niyang kasamahan sa Presidential Anti Crime Commission (PACC) na pikit matang pumatay sa labing-isang miyembro ng Kuratong Baleleng noong 1995 sa Quezon City; mga pulis na parang robot na pumaslang kay Buby Dacer sa Cavite; at isang mataas na ranggong pulis na nakipagsabwatan sa isang empleyado ng FBI sa America para makalikom ng “intelligence reports” sa mga target niyang personalidad. Lahat sila ay binayaran umano ni Ping upang sumunod sa kagustuhan niya. Ilan lamang yan sa mga nabulgar na pinakilos nya.
Lingid sa kaalaman ng mga tao, marami pa saying pinakikilos ng pasekreto. Eto na lamang huling expose na kanyang binansagang “road to nowhere” laban kay Senate President Manny Villar ay mahuhuli mo kung sino-sino sila. Isa kaya rito si Iloilo Vice Governor Rolex Suplico na dati nyang campaign manager noong 2004 election at laging nakabuntot dati kay Ping? Ang front page sa isang pahayagan na kuha ni Suplico kasama ang kapartido ni Villar na si Congressman Gilbert Remulla na may hawak na mapa ay nagpapahiwatig ng isa sa dalawang bagay lamang. Una, lubusan ng tinalikuran ni Suplico si Ping at handang kumampi sa Nationalista Party (ni Villar) upang matuloy ang balak nitong pagtakbo bilang senador sa 2010 o di kaya siya ay “inutusan” na maging “spy” sa NP at maging tenga ni Ping?
Bukod kay Suplico, kahina-hinala din ang mga galaw ni Remulla. Matatandaan na dati nyang sinuportahan si Lacson bilang presidential aspirant ng nakipag-alyado ang kanyang Partido sa paksyon ni Ping ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) noong 2004. Ito aty maliban pa sa kadahilanang pareho silang CaviteƱo at nauugnay ng dugo o ika nga’y “blood-relatives.”
Isa pang dahilan kung bakit maaaring si Ping nga ang director sa pelikula ng politika ay ang pagpapataob niya sa orihinal na “siga ng tondo” at ang mga galamay nito. Maraming nakakaalam na si Ping ang sinisisi ni Erap sa kaniyang pagkakaalis sa pwesto noong 2000 sa MalacaƱang at siya ring tinuturong dahilan ng pagkatalo ng oposisyon noong 2004 elections dahil sa kaniyng paglaban kay FPJ na lubhang naghati ng mga boto. Lahat ng plano ng oposisyon sa ilalim ni Erap ay nabulilyaso sa pagsasarili ni Ping. Pero sa isang banda, may nahihita ding pakinabang ang kampo ni Erap sa mga exposes diba? Nagkakagulo ngayon ang mga presidentiables dahil isa-isa silang tinitira ngayon ni “Mr Ultimate Director.”
Malas lang ni Villar – na mataas ang ratings sa surveys – siya ang nauuuna sa listahan at ang “narrow road” na tinatahak ni Ping ay nakatuon ngayon sa kanya. Malamang susunod na rito si Noli De Castro o di kaya si Loren Legarda na parehong napapabilang sa top three presidential wanabees. . . Abangan ang susunod na kabanata!
No comments:
Post a Comment